The Philippine Status

Ngayong panahong ito ang bansa natin ay dumaranas ng kahirapan. Maraming nagugutom, maraming nagkakasakit, maraming walang trabaho, at marami ang hindi nakakatungtong sa maayos na paaralan. Hindi ito lingid sa ating paningin. Ang S.Korea ang bansang maaaring ikumpara sa ating bansa. Halos Animnapung taon na palang ang lumipas ang Timog Korea ay humarap sa isang digmaan laban sa mga kumonismong Hilaga at noong panahong iyon ang Pilipinas ay isa sa maayos at maunlad na bansa sa Asya, maganda ang kalidad ng edukasyon, economiya at sistema ng pamahalaan. Ngunit nayon ay tila nabaligtad na ang lahat, tayong mga Pilipino ay nahuhuli na sa pag-unlad. Ang Korea ngayon ay isa sa mga pinakamaunlad na bansa sa Asya at ang Pilipinas naman ay isa sa mga papaunlad palamang na mga bansa. Kung dati, tayo ay nagunguna sa pag papadala ng mga yaring produkto o hilaw na mga materiales sa ibang bansa ngayun naman ay tayo ay isa sa mga may pinakamalaking kinukuhang yaring produkto at hilaw na materyales galing sa ibang bansa. Isipin nyo ang mga pagbabago. Isipin natin mga solusyon, gawin natin ito.



Leave a Comment