03.30.09

The War at Home

Posted in Open Leter, filipino tagged , , at 6:08 pm by franciskian

*__*

The War at Home -  Isang mapang lait na artikulong sinulat ng isang best-selling author and collumnist na si Chip Tsao. Sinabi niya sa kanyang artikulo na ang Pilipinas ay isang bansa ng mga Alipin, at walang ibang tawag sa kanila kung hindi Sir and Ma’am. Alam ko na karamihang mga OFW na pumupuntang Hong Kong ay namamasukan lamang na Katulong, pero hindi iyon sapat na tawagin ang ating bansa na Nation of Servants. O sige, kung ang bansa namin ay bansa ng mga alipin ano sila? Bansa ng mga Mamemeke? Kung saamin kinukuha ng mga domestic helper sakanila naman nanggagaling ang mga piniratang DVD, VCD mga pekeng MP3, Video Cam, Digi Cam, Cellphones, pekeng laruan na mga mataas na Lead Conent, Dairy Products na may Melamine, mapaminsalang sakit na SARS at marami pa… Sa totoo lang, iniidulo ko ang kasaysayan ng China at wala akong balak na siraan ito, pero kung sinumang dayuhan ang manglalait sa aming mga Pilipino, sa aming lahi, at saating bansa ay hindi ko masisisi ang aking mga kamay sa pag type sa keyboard kung ano ang tumatakbo sa isip ko…

Hindi maganda ang manira ng iba, lalung laluna ang manira ng ibang lahi. Dahil baka masmasahol sa sa binibintang mo ang ginagawa mo…

Hindi Alipin ang mga OFW na nag tatrabaho, may mga karapatan din sila na ipaglaban ang sarili kung naaapi. Akalain mo isang sikat at hinahangaang personalidad sa lipunan magagawang mang lait ng ibang lahi… Para saakin isa siyang persona non grata… hindi sya katanggap tanggap dito sa ating lipunan… Kailan nya munang humingi ng kapatawaran sa mga Pilipino na siniraan nya ng dangal, isang PUBLIC APOLOGY ang nararapat… Mr. Chip Tsao….



Leave a Comment