12.03.08

Another Dream, came true, its true…

Posted in nagugulohan at 2:56 am by franciskian

Minsan may gumugulo sa ating mga isipan, mga bagay na parang mahirap maintindihan kung ito man ay tunay o hindi. May mga pagkakataong may isang pangyayari na parang naisip mo na ito’y iyong nakita na mismo kung ano ang ngyari… hindi natin ito mapaniwalaan kung iniisip lang natin ito, o nag kataon lang. 

Ang panaginip ay isang bahagi ng  ating buhay, malaki ang ginagampanan nito sa atin. Kung baga ito ang iyong pangalawang mundo na malayo sa reyalidad. Ngunit, ito rin ang oaraan para malaman mo ang hinaharap. May mga pangyayari sa ating panaginip na tumutugma sa nangyayari sa reyalidad. Mga bagay na parang nag kakataon lang at walang sapat na patunay kung ito ay totoo o hindi. 

Maraming beses na itong nangyayari sa akin. Tulad ng nagyari kanina sa aming Recolection, ang mga salitang binitawan ni Bro. isang siminarista tungkol sa isang kuwento kung paano kaya ang magyayari kung ikaw ay yumao na. Lahat ng iyon ay tugmang-tugma sa aking panaginip… noong una parang napapaisip ako na parang narinig ko na iyon ngunit hindi ko alam kung saan, kailan at kung bakit… nasa sasakyan na kami pauwi nang napagtanto ko na parang may hawig ito sa aking panaginip di ko lang matandaan kung kailan.

Kaya minsan parang gulong-gulo ako sa mga ngyayari sa aking paligin, kung likhang isp ko lang ba ito o hindi. Wala akong mapagsabihan kasi wala namang naniniwala, pag tatawanan lang nila ako at baka sabihin pa nila na gumagawa lang ako ng kuwento.

Kung kayo ay makakaranas ng tulad ng ganito, marahil may gusto lang itong iparating na mensahe….



Leave a Comment