10.27.08
IGNORANTE!!!
Ang iingay niyo! Parang hindi kayo nakakapanood ng SINE. Mga IGNORANTE!
Iyan ang mga salita na binitawan ng isang babae habang inis na inis na lumipat ng upuan. Kung matinong tao siya at may pinag-aralan, hindi niya ito mababangit. Kung naiinis dapat siya sana sinabi niya ito ng mahinahon at walang bahid ng pag mamaliit.
IGNORANTE o Ignorant sa wikang Ingles, nagagahulugang walang pinag-aralan o hindi Edukado. Sa mga sinabi niya sa aking pananaw mas nag mukha pa siyang IGNORANTE. Mas malakas pa ang boses niya sa mga nag bubulungan.
Sana sa susunod na sasabihin mo ang mga ganitong kataga siguraduhin mong hindi mo kasama ang mga anak mo. Hindi magandang halimbawa.
Kung sino ka man at mabasa mo itong blog na ito, sinasabi ko lang ang totoo…
wala nang iba. :D