10.29.08

Boredom!

Posted in Bacoor, Books, Fiesta, Film, Group Presentation, Molino, Music, filipino tagged , at 5:44 am by franciskian

Sa lahat ng pwedeng makalaban, bakit ikaw pa?

Sa dirami-rami ng tao bakit ako pa ang iyong tinamaan?

Hay! Boredom, boredom kung pwede kang umalis ngayun din…

Hindi ito tula, nag susulat lang ako upang may pang laban ako sa Boredom…

Ika ang ng ilan Mahirap kalaban ang Boredom…

siguro nasanay lang ang katawan ko sa dalawang araw na sobrang maraming ginagawa, tulad ng kapistahan ng patron ng molino…

hay nako!!!

Good Luck!

10.27.08

IGNORANTE!!!

Posted in Film, filipino, nincompoop at 7:27 am by franciskian

Ang iingay niyo! Parang hindi kayo nakakapanood ng SINE. Mga IGNORANTE!

Iyan ang mga salita na binitawan ng isang babae habang inis na inis na lumipat ng upuan. Kung matinong tao siya at may pinag-aralan, hindi niya ito mababangit. Kung naiinis dapat siya sana sinabi niya ito ng mahinahon at walang bahid ng pag mamaliit.

IGNORANTE o Ignorant sa wikang Ingles, nagagahulugang walang pinag-aralan o hindi Edukado. Sa mga sinabi niya sa aking pananaw mas nag mukha pa siyang IGNORANTE. Mas malakas pa ang boses niya sa mga nag bubulungan.

Sana sa susunod na sasabihin mo ang mga ganitong kataga siguraduhin mong hindi mo kasama ang mga anak mo. Hindi magandang halimbawa.

Kung sino ka man at mabasa mo itong blog na ito, sinasabi ko lang ang totoo…

wala nang iba.  :D

10.26.08

Fiesta de Molino

Posted in Bacoor, Fiesta, Molino at 7:27 am by franciskian

Fiesta…

Fiesta ng Molino  Oct. 25,2008…

Hay nako…

Alam nio ba na ang parada sila Mommy, mula Shell lampas yun ng SM Molino papuntang Heavenly Peace pabalik sa Simbahan siguro 2hr and almost 30 min ang lakad namin….

hay nako grabe kapagod talaga… kahit sila lang ang nag street dance napagod parin ako…

Alam nio kung bakit?

kasi ako ang Photographer hindi naman literal….   nag kataon lang na ako ang may hawak ng Camera…

Pero ng Day mas mahaba at mas nakakapagod ang lakaran…

buti nalang gabi naaaa yun… at hindi masyadong mainit….

ito din ang araw nang tinangap at naging Hermana de Mayor si Mommy ng Parokya namin….

Pero as what my job kahapon ganun parin… PHOTOGRAPHER parin hehehhehe…

kaya nga mas nakakapagod…

pero mas maya ito… kaysa sa mga nakalipas na FIESTA na hindi ko manlang naramdaman ang DIWA…

May BANDA sa parada/prosisyon  may mga makukulay na FIREWORKS Display pa BINGO at paligsahan ng sayawan ng WOPIC….

Ngayun lang uli ako naka pa miyesta ng ganito… nakakapagod grabe…. TO THE MAX…

Pero sa tingin ko practice  lang yun kasi NEXT YEAR sa FIESTA kami naman ang MAGHAHANDA dahil sa si MOMMY naman ang HERMANA de MAYOR heheehehhe…

Nahihinguha ko na nga ang mga mangyayari sa isang taon… busy, nakakapagod, masaya, at Unforgetable hehehhehehehe….

hehehehhe… PS…

di pala nagpahuli ang mga pulitiko sa pagdalo sa  Fiesta nanduon din ang meyor ng Bacoor si Strike Revilla kasama ang mga ka office mate ang vise meyor brgy. kapitan at mga kagawad hehhehehehe…

Yun lang….

THNX

billpatrick©

10.23.08

hay naku….

Posted in Books, Film, Group Presentation, Music, Uncategorized, filipino at 9:15 am by franciskian

hay naku, naku, naku…

bakit ganito?

kung kailan gusto na ng katawan ko,

gusto na ang isip ko,

ay hindi parin mabigay ang hinihingi kong tulog.

Tulog na inaasam ng lahat ng nilalang…

kung bakit sa lahat ng tao ako pa?

ako pa na may pasok pa sa paaralan bukas…

hay naku…

siguro ganyan talaga ang buhay….

10.17.08

Ang Simula ng Kasaysayan ng Roma

Posted in Books, Film, Group Presentation tagged , , , , , , , at 3:07 pm by franciskian

Intrudoksyon:

Ang Republika ng mga Romano ay nagbigay kontribusyon sa larangan ng Pulikita sa buong mundo. Ito ay isang simula ng makabagong sibilisasyon sa naiiba sa mga sibilisasyon ng Mesopotamia, Ehipto, Aztec, at ibapang sibilisasyon na nauna.

Katawan:

Nagsimula ang lahat kay Remus at Romulus na sinasabing nag tatag ng Sibilisasyon ng Romano sa tabi ng Ilog Tiber sa Tangway ng Italya. Ayon kay Plutarch at Livy si Romulus ang nag silbing kauna-unahang hari nito.

Sinakop nila ang kaharian ng Etruscans, Gauls, Greyego at nabuo ang Repulika ng Romano. lahat na nasakop na lupain ay ginawang pagaari at ang mga mamamayan roon ay ginawang mga kasapi ng pamahalaan.

Binubuo ang pamahalaan ng Senate, Consuls, at Praetors. Sila ay itinalaga ng mga tao upang mamahala sa Republika. Sa panahon ng problemang Militar, namimili sila ng isang diktador na mamumuno sa loob ng anim na buwan. Pagkalipas ng anim na buwan at natapos na rin ang problema ay ibabalik ang constitutional government ng Roma.

Masasabing isang aksidente ang pagiging Emperyo ang Republika nang tulungan nila ng Sicily laban sa Chartage na Tinawag na Mga Digmaag Punic. Ito ay nag simula nuong 264 hangang146 BK at masasabing ang pinaka mahapabang digmaan sa kasaysayan ng Matandang Panahon.

Pag katapos ng mga digmaang Punic ay napalitan ng Militar na pamamahala ang dating Republikang pamahalaan. Naging maluho at iniwan ang dating simpleng buhay na nagsasaka lang sa sakahan.

Dahil sa pag aaway ng Senado ay nabuo at naitatag ang Unang Triumvitrate na kinabibilangan ng Julius Ceazar, Pomey the Great at Marcus Crasus. Ngunit sila mismo ay hindi nag kasundo-sundo at ang patayan din.

Nang mabuwang ang Unag Triamvirate ay nabuo ang ikalawa nakinabibilangan nina Octavian (Augstus Ceasar), Marcus Lepidus at Anthony. Sumama si Mark Anthony ka Cleopatra VII at nag karoon ng anak. Datapwat, si Anthony ay kasal sa kapatid ni Octavius kaya pinaslang nito ang buhay ni Anthony at sumunod namang nag pakamatay si Cleopatra. At Sumiklab ang digmaan ng Senado.

Nag retiro si Marcus Lepidus sa Katungkulan at naiwan si Octavian na iprinoklama ang sarili na kauna-unahang Emperador ng Emperyong Romano, at tinawag siyang Augusts Ceasar.

Konklusyon:

Kung hindi tinulung ng Republika ang Sicily laban sa mga Charthaginian marahil sila ay nanatiling simple, malayo sa karangyaan at simpleng magsasaka.

TRIVIA:

Nang ipinanganak si Hesukristo ay panahon naman ng paghahari bilang Emperador si Augustus Ceasar.

Ang salitang Republic ay nagmula sa dalawang salita na Representative of the Public. RePublic.

Alam niyo ba na sa Roman Empire na imbento ang Poso at Simento. Dahil na rin na sila ay mga great builders.

Author: Bill Patrick Musca-Familara

Oct. 18, 2008

Disclaimer: Lahat ng nakasulat dito ay hindi maaaring maging BOOk Report dahil sa kadahilanang maaaring may maling Impormasyon na nakasulat.

Biglaan

Posted in Group Presentation tagged , , , , at 12:48 pm by franciskian

akalain mo yun….

nag uusap kami sa labas ng bahay tapos nag paplano kung anong gagawin sa bday ng tita ko….

nbigla nalang na isipang mag nigth simming…. hehhehehehehe

ayun na tuloy nga kami….

nag swim-swim kami sa CIrcle Islang near SM Molino hehehehehhehe nag advertise ba….

konti lang ang tao nung dumating kami….

pero nung bandang 9pm dumating ang grupo ng tao… mga students ata yun from unknown school or universities hehhehehehehehehehehe…..

Ito ang Proweba….