04.21.09
I just moved
hello, lumipat na nga pala ako sa Blogger…. sana masubaybayan nyo parin ang aking mga Blog post kahit Blogger na ang ginagamit ko…. ito nga pala ang URL :http://yuehnd.blogspot.com/
Salamat!
what you see is what you get.
hello, lumipat na nga pala ako sa Blogger…. sana masubaybayan nyo parin ang aking mga Blog post kahit Blogger na ang ginagamit ko…. ito nga pala ang URL :http://yuehnd.blogspot.com/
Salamat!
The War at Home - Isang mapang lait na artikulong sinulat ng isang best-selling author and collumnist na si Chip Tsao. Sinabi niya sa kanyang artikulo na ang Pilipinas ay isang bansa ng mga Alipin, at walang ibang tawag sa kanila kung hindi Sir and Ma’am. Alam ko na karamihang mga OFW na pumupuntang Hong Kong ay namamasukan lamang na Katulong, pero hindi iyon sapat na tawagin ang ating bansa na Nation of Servants. O sige, kung ang bansa namin ay bansa ng mga alipin ano sila? Bansa ng mga Mamemeke? Kung saamin kinukuha ng mga domestic helper sakanila naman nanggagaling ang mga piniratang DVD, VCD mga pekeng MP3, Video Cam, Digi Cam, Cellphones, pekeng laruan na mga mataas na Lead Conent, Dairy Products na may Melamine, mapaminsalang sakit na SARS at marami pa… Sa totoo lang, iniidulo ko ang kasaysayan ng China at wala akong balak na siraan ito, pero kung sinumang dayuhan ang manglalait sa aming mga Pilipino, sa aming lahi, at saating bansa ay hindi ko masisisi ang aking mga kamay sa pag type sa keyboard kung ano ang tumatakbo sa isip ko…
Hindi maganda ang manira ng iba, lalung laluna ang manira ng ibang lahi. Dahil baka masmasahol sa sa binibintang mo ang ginagawa mo…
Hindi Alipin ang mga OFW na nag tatrabaho, may mga karapatan din sila na ipaglaban ang sarili kung naaapi. Akalain mo isang sikat at hinahangaang personalidad sa lipunan magagawang mang lait ng ibang lahi… Para saakin isa siyang persona non grata… hindi sya katanggap tanggap dito sa ating lipunan… Kailan nya munang humingi ng kapatawaran sa mga Pilipino na siniraan nya ng dangal, isang PUBLIC APOLOGY ang nararapat… Mr. Chip Tsao….
The White Man’s Burden :The United States and the Philippine Islands by the English poet Rudyard Kipling.
Take up the White Man’s burden–
Send forth the best ye breed–
Go bind your sons to exile
To serve your captives’ need;
To wait in heavy harness,
On fluttered folk and wild–
Your new-caught, sullen peoples,
Half-devil and half-child.Take up the White Man’s burden–
In patience to abide,
To veil the threat of terror
And check the show of pride;
By open speech and simple,
An hundred times made plain
To seek another’s profit,
And work another’s gain.Take up the White Man’s burden–
The savage wars of peace–
Fill full the mouth of Famine
And bid the sickness cease;
And when your goal is nearest
The end for others sought,
Watch sloth and heathen Folly
Bring all your hopes to nought.Take up the White Man’s burden–
No tawdry rule of kings,
But toil of serf and sweeper–
The tale of common things.
The ports ye shall not enter,
The roads ye shall not tread,
Go mark them with your living,
And mark them with your dead.Take up the White Man’s burden–
And reap his old reward:
The blame of those ye better,
The hate of those ye guard–
The cry of hosts ye humour
(Ah, slowly!) toward the light:–
“Why brought he us from bondage,
Our loved Egyptian night?”Take up the White Man’s burden–
Ye dare not stoop to less–
Nor call too loud on Freedom
To cloke your weariness;
By all ye cry or whisper,
By all ye leave or do,
The silent, sullen peoples
Shall weigh your gods and you.Take up the White Man’s burden–
Have done with childish days–
The lightly proferred laurel,
The easy, ungrudged praise.
Comes now, to search your manhood
Through all the thankless years
Cold, edged with dear-bought wisdom,
The judgment of your peers!

White Man
Do you believe that Filipinos are the white man’s burden when they came here in our country in late 1898? Kung ako ang tatanungin, hindi. Because sila ang nag pahirap sa mga Pilipino noong sakop pa tayo ng mga Amerikano. Sino ba talaga ang mas dakila, ang mga dayuhan na siyang nag pukol at nanira sa reputasyon ng mga Pilipino? O ang mga Pilipinong guerilla na nakikipaglaban at pumapatay para mabawi ang nanakaw na kalayaan? Noong idiniklara ang unang Philippine Independence sa Cavite el Viejo kinilala ba ito ng Amerika? Hindi bagkus sila ang panibagong sumakop sa atin. Ano ba ang tamang dipinasyon ng Nasyonalismo? Ang labis na pagmamahal sa bayan na nagagawa ng sumakop ng ibang lugar at ituring itong hindi sibilisado at kanila DAW itong tuturuan upang maging sibilisado na ang pinaka dahilan naman lang talaga ay pagtatanim sa isip ng mga tao na mas magalisng sila, ang produkto nila upang sila ay ating tangkilikin o ang Nasyonalismong handang ipagtangol ang bayan kahit anong magyari sa lahat ng aabuso at mang-aapi dito? White Man’s Burden, is one of the good example of literary pieces that discreminates Filipinos. Ituring ba naman tayong Half devil and Half Child? Hindi natin problema kung sila ay magpakasakit sa pag tuturo sa atin, sila ang pumunta dito at walang awang pinag papapatay ang mga rebeldeng Pilipino na nagnanais lamang ng kalayaan. Sinabi pa nila kung paano DAW pahirapan ng mga Pilipino ang mga Amerikano, halimbawa nito, iginagapos daw sila at inililibing ng buhay at ang nakalabas lang ay ang ulo na malapit sa bahay ng langgam at hayaang kagatin sila ng mga ito hanggang unti-unting mamatay, pangalawa, ang mga nadakip daw na mga sundalong Amerikano ay pinuputulan ng testicles at ipinapakain sa mayari. Pero mariing kinundina ito ang RED Cross at sinasabing walang patunay na nangyari ang mga ito at hindi totoo. Kung tutuusin nga sila ang labis na nagpahirap sa atin, nang-abuso sa atin, at lumapastangan sa ating inang bayan. Kala mo si Hitler lang ang gumamit ng mga Concentration Camps? Pati rin ang mga Amerikano, marami ang mga namatay.
Disclaimer: hindi ko sinisiraan ang US sinasabi ko lang ang mga saloobin ko patungkol sa poem The White Man’s Burden by Rudyars Kipling.
Summer na naman umiinit nanaman ang klima sa buong Pilippinas… Ang init na bawat taon ay tumataas dahil sa Global Warming… Naaalala ko pa nuong nasa unang baitang palang ako, hindi pa ganito ang init tuwing summer. Na e-enjoy ko pa ng husto ang mga panahong tulad nito… Subalit ngayon… hindi na, sa sobrang init na nararanasan natin ngayon… ang sobrang init na maaaring pumatay sa atin. Marami ang nag kakasakit dahil na rin sa pabago-bagong tempiratura ng ating kapaligiran… sa gabi malamig, ngunit sa umaga’y labis na init ang dumarampi sa ating katawan. Ngayon na natin nararanasan ang hagupit ng Global Warming, may magagawa pa tayo… hindi pa huli ang lahat…
Maraming unang pagkakataon ang nangyari sa Ika-18ng taong pagdriwang ng pagkakatatag ng aming paaralan. Bukod sa taunang Palakasan sa larangan ng sports, unang pagkakataon na napuri ang batch namin, unang beses na naging 2nd, unang beses na nanalo ng Escort namin, nag champion sa Basketball Girls, at unang beses ng batch na naging uniform, as in naka Jersy kami… dahil noong nakalispa na dalawang taon puro T-shirt lang kami na may naka print lang ang aming LOGO.
Global Financial Crisis, marami na ang naaapektohan ng krisis na ito. Marami nang tao ang nawalan ng trabaho dahil sa maaaring nagsara na ang kumpanya o factories na pingtratrbahuan nila.
Nag sisimula naring maapektuhan ang ekonomiya ng ating bansa ng pandaigdigang krisis nito. Pero, wala ba kayong naaalala sa kasaysayan na halos ganito rin ang nangyayari? Nag sasara ang mga Bangko, Nagsipaglugi ang mga Negosyo at dumami ang naghirap. Ito ay ang malawakang depresyon na naganap noong 1920’s na nagdulot ng kahirapan hindi lang sa Europa kundi maging sa Amerika.
Kung nakabangon ang Europa at Amerika deprisyong iyon, iigsabihin ay makakabangon din tayo. Ngunit kailangan natin ng pagbabago, hindi sa pamahalaan kundi sa ating pag-uugali na mas pinipili pa natin ang produkto ng ibang bansa kaysa sa sariling atin. Malalagpasan natin ang suliraning ito, magagawa natin iyon, na makabangon, makasabay sa malalaking bansa at mawala ang kahirapan. Ito ay kung tayo ay mag sisikap at mag tyatyaga lamang at hindi pipiliing tumambay lamang sa kanto na parang pensyonadong naghihintay lang ng tulong ng iba.
Magagawa natn ito, malalagpasan natin ito, hindi banta ang GFC sa ating pag-unlad. Kung tayo lang ay magsisikap. Hindi tamad si Juan, Si Juan ay masipag, matiyaga, at may dignidad.
-Juan dela Cruz
Bill Patrick Familara©
Umaga noong mga panahon na iyon. Kami’y nag hahanda na para pumasok sa paaralan. Naligo muna ako tapos nagbawas…. alam n’yo kung ano ang nang yari? hehehhe… Biglang may daga na lumabas sa inidoro habang nakaupo ako…. nakakainis, nagulat…. kaya pala bago ako magbawas parang barado may daga pala na lumalangoy sa tubo… huh… nakakainis talaga….
Ganito kasi iyon, bago pa gumising ang lahat may daga na na nahulog duon sa inidoro tapos pinlash ng katulong namin…. malay ba namin na makakabalik pa yun…. heheheh…. at gumamit na sila naka pag bawas na ang mga kapatid ko na naunang gumamit sa akin ng palikuran…
hay nako sobarang nagulat talaga ako sa mga ngyari… at kahit apat na araw na ang nagdaan ay sariwang-sariwa pa sa mga ala-ala ko ang mga kaganapang iyon….
Pero na pagtanto ko na… kaya siguro sa bahhay namin nananahan ang mga daga ay dahil ang lupang tinitirikan ng Subdivision namin ay dating palayan na tinitirahan ng mga dagang bukid at ahas na ngayon ay nawawalan na ng bahay dahil sa ginagawang residential sites ang mga bukirin.
Yun lang… hehehehe… at kahit nakakainis ang mga ganung pang yayari ay may natutunan naman ako…
Hindi lahat ng mali ay nagiging tama, bagus ang mga tama ay nagiging mali kung hindi natin aayusin ang mga ginagawa natin.
Maraming taon na ang nagdaan, nang tayo ay sakupin, alipustahin, at pagsamantalahan ng mga dayuhang mananakop. Hindi pa ba tayo nag sasawa? Sa bawat panahon na may gulo, suliranin, gera sa mindanao, pag-sisiraan ng mga pulitiko, kurapsyon, at mga skandalong kinahaharap ng pamahalaan. Sa bawat balitang maririnig, mapapanood at mababasa mo sa mga Telebisyon, Radyo, at mga pahayagan ay kadalasang ito ang nilalaman. Hindi ba kayo nababahala? Nababahala kung ano ang mga pusibilidad na epekto nito sa atin?
Sa bawat skandalong kinasasang kutan ng pamahalaan, ay nadadamay tayo, napapahiya tayo, nababawasan ang ating integridad. Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Garcilliano, Jokjok Bolante, at Jose Pidal na minsan ay naging bida sa mga mata Midya na mag pasahanggang ngayon ay kilalang-kilala parin. Idagdag na natin dito ang Fertilizer Scam at ang ngayon-ngayun lang na mga Euro generals na nag dala ng sobra-sobrang halaga patungong Europa, na kung tutuusinay marami pang maaring pag gamitan nito, tulad ng pandagdag sa pondo ng Edukasyon, pangkalusugan o kahit pag papagawa lang ng pang publikong inpastraktura na magagamit ng marami. Dahil dito ang Pilipinas na siyang bansa natin ay pumapangalawa sa pinaka kurakot na bansa sa buong mundo at ang nangunguna ay ang Indonesia. Hindi ba parang napakasakit tangapin? Pero ito ang katotohanan! Ang katotohanan na dapat nating baguhin habang maaga pa. May magagawa pa tayo. May mga paraan pa, upang baguhin ang mga pagkakamali.
Sa mga panahon ng kaguluhan, dapat tayo mag kaisa. Sapat na ang mga nasawi sa mga digmaan, upang mag simula ng panibagong buhay. Ipinaglaban ng ating mga bayani ang ating kalayaan, upang makapamuhay tayo nag tahimik, malayo sa pagaalipusta ng iba at walang gulo. Pero bakit tayo nakikipaglaban? Pare-parehas lang tayong mga Pilipino, anak ng ating inang bayan. Para saan pa? Sa anong dahilan? Dahil ba sa Relihiyon? Dahil ba sa pan sariling nais? Pare-parehas lang tayong mga tao, magkakaiba man ang ating sinasamba, minapaniwalan at kultura tayo parin ay mga Pilipino, mag kapatid, magkalahi, at magkadugo.
Lahat tayo ay nabubuhay, hindi para sa sarili lang kundi para din sa iba. Hindi matatapos ang digmaan kung ang igaganti mo rin ay gera, hindi matatapos ang kaguluhan kung ang itatapat mo ay init ng ulo, hindi matatapos ang girian kung ang itatapat mo ay ang iyong baluktot na prinsipyo.
Hindi pa huli ang pagbabago, ang pagbabago na balang araw ay mag dadala saatin sa rurok ng tagumpay.
Maraming salamat po at mabuhay.
Minsan may gumugulo sa ating mga isipan, mga bagay na parang mahirap maintindihan kung ito man ay tunay o hindi. May mga pagkakataong may isang pangyayari na parang naisip mo na ito’y iyong nakita na mismo kung ano ang ngyari… hindi natin ito mapaniwalaan kung iniisip lang natin ito, o nag kataon lang.
Ang panaginip ay isang bahagi ng ating buhay, malaki ang ginagampanan nito sa atin. Kung baga ito ang iyong pangalawang mundo na malayo sa reyalidad. Ngunit, ito rin ang oaraan para malaman mo ang hinaharap. May mga pangyayari sa ating panaginip na tumutugma sa nangyayari sa reyalidad. Mga bagay na parang nag kakataon lang at walang sapat na patunay kung ito ay totoo o hindi.
Maraming beses na itong nangyayari sa akin. Tulad ng nagyari kanina sa aming Recolection, ang mga salitang binitawan ni Bro. isang siminarista tungkol sa isang kuwento kung paano kaya ang magyayari kung ikaw ay yumao na. Lahat ng iyon ay tugmang-tugma sa aking panaginip… noong una parang napapaisip ako na parang narinig ko na iyon ngunit hindi ko alam kung saan, kailan at kung bakit… nasa sasakyan na kami pauwi nang napagtanto ko na parang may hawig ito sa aking panaginip di ko lang matandaan kung kailan.
Kaya minsan parang gulong-gulo ako sa mga ngyayari sa aking paligin, kung likhang isp ko lang ba ito o hindi. Wala akong mapagsabihan kasi wala namang naniniwala, pag tatawanan lang nila ako at baka sabihin pa nila na gumagawa lang ako ng kuwento.
Kung kayo ay makakaranas ng tulad ng ganito, marahil may gusto lang itong iparating na mensahe….
hay!!!
What You Want, You Can Not Get…
lam nio ba kung bakit ganyan ang title? pwes di ko rin alam…. hhehehehe… kadalasan sa buhay marami kang gusto ngunit di mo kakuha o maabot… kung baga pangarap lang na kung di mo pag tratrabahuan at pag sisikapan ay malabo lang talaga maabot.
yun kasi ang kadalasang nangyayari sa atin. Para nalang tayong lumilipad sa alapaap na walang destinasyon yug hindi tayo mag sisiskap. Maraming walang trabaho, naghahanap ng trabaho at kung minsan ay mas gusto pang tumambay nalang… OO tumambay, tabay na imbis na humanap ng trabaho ay tumatambay nalang na parang pensyonado na nag hihintay nalang ng grasya mula sa langit.
Walang mararating ang ating bansa kung ganun ang ating pag-uugali.
Isa na dito ang paglaki ng populasyon , dahil narin sa kawalan ng tamang kaalaman sa pag paplano ng pamilya. Kung sino pa ang mahirap ,ito pa ang maraming anak.
Ang colonial mentality, mahalin ang sariling atin. Hindi lahat ng Imported ay maganda… OO, hindi nga tayo sakop ng mga dayuhan sa pang pulitikang aspekto ngunit parang nasasakop naman nila ang ating ekonomiya. Ang malalaking kumpanya dito sa Pilipinas ay pag mamayari ng mga banyaga. Tulad ng Uniliver, Mc Donalds, Jack & Jill at Coca-Cola… Nalulugi na ang ating maliliit na kumpanya at nag sisimulang magsara. Ganyan ba ang gusto mo sa buhay?
Kaya ang mga nais mo ay hindi mo makuha…